Monday, 11 March 2019

Buhay ng Panggugubat

Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Nililinang parin ang ating ma kagubatan pero mayroon parin tayong mga suliranin na nahaharap katulad nalang nang patuloy na pagtaas nang ating populasyon, sa patuloy na pagtaas ng populasyon mabilis na nauubos  ang mga kagubatan.Ilegal na pagputol ng mga puno, pumuputol ang mga tao ng puno kahit walang permiso sa mga may awtoridad at dahil dito nawawalan ng mga tirahan ang hayop.

At ang resulta nang pagpuputol nang mga kahoy ay ang mga dumadating na sakuna katulad nang pagbaha at pagguho ng lupa.Kahit na may mga suliranin ito mayroon din itong kahalagahan ang paggugubat, nagsisilbi ang mga kahoy na bilang proteksyon natin sa mga malalakas na hangin bunga ng bagyo, pinagkukunan din ito ng mga materyales para sa paggawa ng mga muwebles, bahay at iba pa na paggagamitan dito, may makukuha din tayong mga sangkap para sa pagawa nang mga gamot, nagsisilbi itong tirahan nang mga ligaw na hayop sa kagubatan. Maraming mapagkukunan ang mga kahoy sa kagubatan kay dapat lang itong alagaan. Kung puputol din kayo nang mga kahoy sa kagubatan kay kailangan din itong taniman nang bago para may mapagkukunan din ang sumusunod na henerasyon. Tandaan, maging mabuti sa kalikasan para mabuti rin ang ating matatanggap.Huwag nating abusuhin ang paggamit ng mga likas na yaman lalong-lalo na ang kagubatan, para may mapakinabangan pa ang susunod na henerasyon.

tl.eureporter.com





Members:
Batausa, Michaela
Calidguid, Nicole Yashmine
Peque, Kaye Abegail
Raboy, Salve Hyacinth
Ricablanca, Ivy
Aspacio, Gebie
Celocia, Jesus Mar
Sanchez, Jefferson Matt

Buhay ng Pangingisda

Ang pangingisda ay isa sa mga mahahalagang sektor ng agrikultura na may kinalaman sa mga iba't ibang anyong tubig.


Dati pa man, isa na ang pangingisda sa mga pangunahing pinagkukunan ng pangangailan ng mga tao. Ginawa rin itong pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan na naninirahan sa mga tabing dagat.

May mahalagang papel na ginagampanan ang pangingisda bilang isa sa mga sektor ng agrikultura na nakakatulong sa pag-unlad sa ekonomiya ng ating bansa. Sa sektor na ito tayo makakakuha ng mga yamang dagat gaya ng mga isda na dinadaan sa maraming proseso para maging tapos na produkto tulad ng mga sardinas at tuna, ang mga perlas naman ay ginagawang hikaw. Ang mga tapos na produkto ay ibinebenta maging sa ibang bansa at pinagkukunan ito ng pagkakakitaan para sa ating bansa.

May mga suliranin at isyu na kinakaharap ang sektor na ito. Ang karaniwang suliranin dito ay ang paggamit ng ilegal na paraan sa pangingisda. Mga halimbawa nito ay ang trawl fishing, paggamit ng mga dinamita, mga lambat na may maliliit na butas, at mga makalalasong kemikal. Ang trawl fishing ay isang ilegal na pamamaraan ng pangingisda na kung saan ginagamitan ito ng lambat na nanghihila ng mga yamang dagat at nakakasira ng mga coral reefs. Ang paggamit ng dinamita ay lakas na ipinagbabawal dahil nakakasira ito sa mga tirahan ng mga isda at iba pang yamang dagat. Itinuturing ding ilegal ang paggamit ng lambat na may maliliit na butas dahil sa paraan na ito nahuhuli ang mga maliliit na isda na hindi dapat kasama sa mga huhulihin, kagaya na rin sa paggamit ng mga makalalasong kemikal.

Ang pangingisda ay hindi madaling gawin. Kinakailangan pang magbabad sa ilalim ng mainit na sikat ng araw nang ilang oras, maglayag sa baybayon sa gabing madilim, at magtiis sa mga malalaking alon. Iyan ang buhay ng isang mangingisda. Lahat ng sakripisyo na iyan ay nasusulit naman lalo na kung marami ang kanilang nahuli. Hindi madali ang buhay mangingisda kaya dapat hindi natin sila maliitin at bigyan natin sila ng parangal. Sila ang nagsasakripisyo para matugunan ang ibang pangangailangan ng mga mamamayan. Kung walang mga mangingisda, walang nagsusuporta sa atin ng mga pangangailangan natin na galing sa mga yamang dagat.

Bilang mga mag-aaral na may pag-aalala sa kapaligiran, gusto namin na makatulong para iwasan at pigilan ang mga suliranin at protektahan ang mga yamang dagat sa aming munting pamamaraan. Nais namin ipagkalat ang aming adbokasiya para magkaroon ng kamalayan ang mga tao at magising sila sa mga nangyayari sa ating mga yamang dagat at kung ano ang magiging epekto kapag tayo ay magpapatuloy na mangingisda gamit ang mga ilegal na pamamaraan.
Alagaan natin ang ating mga karagatan at lalo na ang mga yamang dagat.
tl.cyplive.com


Members:
Batausa, Michaela
Calidguid, Nicole Yashmine
Peque, Kaye Abegail
Raboy, Salve Hyacinth
Ricablanca, Ivy
Aspacio, Gebie
Celocia, Jesus Mar
Sanchez, Jefferson Matt

Buhay ng Panggugubat

Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Nililinang parin ang ating ma kagubatan pero mayroon p...